(via unspokenattractions - theycallmemiel - hellafellafoool - ninapbs - youknowitslove - colormyworldbby - strawberrydrip - blissfully-pink)
Bogs: Mae! Mae! Mae sandali… Mae, it’s not what you think. Mae, please naman oh makinig ka sa akin. Mae, wala ‘yon. Wala talaga ‘yon. Kailan ba ako nagsinungaling sa’yo?
Mae: Kailan? Dati Bogs, hindi. Pero simula nang nakasanay mo ‘kong sabihan na mahal mo ako, naging sinungaling ka na.
Bogs: Hindi. Hindi totoo ‘yon. Hindi kita mahal? Hindi kita mahal?!
Mae: MAHALaga lang siguro, Bogs. Pero hindi mahal.
Bogs: Mae, ‘wag nang ganito. ‘Wag ganito. Kung hindi kita mahal, bakit ako nasasaktan na makita kang ganyan?
Mae: Bogs, minahal mo ba talaga ako? O sinubukan mo lang akong mahalin para hindi rin kita iwan? Ano ba talagang totoo?
Bogs: Ganung klase bang tao ako, Mae? Isusugal kong friendship natin, gagawin kitang panakip-butas? Tapos ano, para ano? Isinugal ko dahil mahal kita. Kaya lang…
Mae: Ayan! Jan tayo sumsablay Bogs eh, sa kaya lang, laging maykaya lang. Never naging simpleng, “Mahal kita, Mae.” Yun lang naman ang gustong marinig ng kahit sino di ‘ba? Bakit hindi mo magawa sa akin ‘yon?
Bogs, walang namilit sa’yo. Walang nagmaka-awa sa’yo. Sinabi ko lang naman sa’yo ang nararamdaman ko dahil hindi ko na kayang itago ‘yon. Bogs, sana lumayo ka na lang. Sana umiwas ka na lang maiintindihan ko pa ‘yon. Pero Bogs, shinota mo ako eh! Shinota mo ang best friend mo!
At noong bumalik si Anna, ipinatalo mo ang lahat. Ipinatalo mo ang lahat pati ako. Pati ako ipinatalo mo, Bogs. Congratulations. Congratulations, natalo tayo.
Shit.
ARAYKUPOJUSKO. @-) :))
Posted on Sunday, 21 March 2010
Notes
